Tao Pa Rin Gem, youtube mp3 indir

İzlenme: 44
Süre: 03:36

Tao Pa Rin - GEM

Şarkı indir, bedava müzik indir, youtube dönüştürücü

#KayarianEP

Lyrics:
Nanay tatay gusto ko ng barbie
Ate kuya pabili ng sarsi
Chinese garter o ‘di kaya tea party
Hilig ko nung bata kahit di ako babae

Pare gusto kong mag baril-barilan
Hihingi kay mama ng pambili ng pellet gun
Text o pogs bibilhin ko sa tindahan
Hilig ko nung bata kahit crush ko pa si batman

Naiiba sa nakasanayan
Ng lolo at lola ko
Nakakabigla sabi ng kapitbahay
Dahil sayang raw ang pogi ko

Bakit bigla na lang nagbago
Saan ba raw ako nabigo?
Ano naman kung ako'y dalaga at
babae rin ang hanap ko?

Ito ho ako
Walang tinatago
Kahit baliktarin mo pa ang mundo
Hindi ho bago
Anong nakakalito?
Tutal tao pa rin naman, tao lang rin naman
ako

Kalalaking mong tao
Ang hinhin gumalaw
Kababae mong tao
Ang gaslaw gaslaw
Bakit di ka mag-boxing?
Ba’t hindi ka sumali sa pageant
At maging beauty queen?
Sayang basketbol player ka sana (Sayang naman)
Pwedeng model kung ‘di ka siga rumampa (Nakakahinayang)
Bakit ka manghihinayang
Sinong nagsabing yan lang ang tama?

Naiiba sa nakasanayan
Ng lolo at lola ko
Nakakabigla sabi ng kapitbahay
Dahil sayang raw ang ganda ko

Bakit bigla na lang nagbago
Saan ba raw ako nalilito?
Ano naman kung ako'y binata at
‘Di lang babae nagugustuhan ko?

Ito ho ako
Walang tinatago
Kahit baliktarin mo pa ang mundo
Hindi ho bago
Anong nakakalito?
Tutal tao pa rin naman, tao lang rin naman,
tao pa rin naman ako

GEM 2022 💎